DALA ng bagong pamunuan ng Squash Rackets Association of the Philippines (SRAP), pumangatlo ang Filipinas sa medal standings sa 2nd South East Asian Cup Squash Championship sa Nay Phi Taw, Myanmar matapos magwagi ng apat na medalya, kabilang ang isang ginto, isang pilak at dalawang tanso.
Nanguna ang mga Pinoy sa pagwawagi ng ginto ng koponan nina Jamyca Aribado at Yvonne Dalida sa wo-men’s jumbo doubles habang sinungkit ang pilak nina Robert Garcia at David Pelino sa men’s jumbo doubles. Ang dalawang tansong medalya ay napanalunan ni Aribado sa wo-men’s individuals at mixed teams competitions.
Ayon sa bagong pinuno ng SRAP na si Ro-bert Bachmann, dalawang buwan ang pagsasanay na ginawa ng Philippine national squash team kaya hindi niya inaasahang magagawang magtala ng magandang puwesto ang national team sa SEA Cup ngayong taon.
“When I took over, maraming problema ang squash… matagal na napabayaan kaya matagal din hindi nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Pero hindi ko akalaing magpakita sila ng magandang performance sa Myanmar,” ani Bachmann sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.
Prayoridad ngayon ni Bachmann na makabuo ng elite corps ng mga atleta na kakatawan sa Filipinas at lalahok sa iba’t ibang mga pandaigdigang torneo, lalo ngayong may posibilidad na magkaroon ng 10 event ang squash sa Southeast Asian Games sa susunod na taon.
“May potensiyal tayo para mag-excel…kahit napag-iwanan tayo ng ibang mga bansa, tulad ng Malaysia at Singapore. Kailangan lang nating pagtuunan ng pansin ang pagsasanay ng ating mga atleta at ipagpa-tuloy din sana ng ating pamahalaan ang pagsuporta sa kanila,” aniya.
Ayon kay Bachmann, sa kasalukuyan ay tanging sa Philippine Sports Commission (PSC) lamang umaasa ang SRAP para sa pondong kailangan kung kaya maha-lagang makalikom din sila ng tulong mula sa pribadong sektor para mapalawig ang kanilang mga programang pangkaunlaran.
ni Tracy Cabrera