Friday , November 15 2024

Masusing imbestigasyon sa robbery-fire incident sa Parañaque

CRIME BUSTER LOGOISANG masusing imbestigasyon ang dapat isagawa ng higher command ng Philippine National Police (PNP) sa insidenteng nangyari sa isang condominium sa Parañaque City na umano’y pinasok ng di-nakikilalang akyat bahay gang.

May mga katanungan kasing dapat sagutin ang local PNP ng Parañaque kung bakit may namatay at kung bakit nagkaroon ng sunog sa subject na kanilang nirespondehan.

Madali naman iyang malaman. Una ay kung sino sa mga awtoridad ang first responder sa scene of the crime. Kung sino ang umaktong ground police commander.

Ikalawa, dapat malaman kung sino sa ranking official ang nag-utos sa mga assault police team na gumamit sila ng teargas sa isang condominium na may mga naninirahan.

Sa pagkakaalam natin ang isang uri ng teargas canister na madalas gamitin ng mga pulis sa demonstrasyon o sa rally ay mapanganib gamitin sa isang crowded residential area o sa indoor na tahanan.

Kapag inihagis ang teargas ito ay maaaring mag-develop ng apoy. Isa iyan sa maaaring maging dahilan para magkaroon ng sunog. Dahil sa matapang na usok na nanggaling sa teargas, nakaaapekto ito sa mata, katawan ng tao at nagiging sanhi ng pagsusuka. Maaari pang makamatay.

Ang masaklap may namatay pang tenant sa condomimium, may nasugatang pulis, pero hindi nahuli ang sinasabing dalawang magnanakaw na still unidentified at lumaki pa ang damage nang sumiklab ang sunog sa pinangyarihan ng insidente.

Naalala tuloy natin ang isang pangyayari sa Wood Street sa Pasay City noong dekada 80. Isa sa saksi rito ang retired police major ng Pasay na si Armando “Manding” Unico na noon ay magaling na operatiba ng Pasay-SID.

Bukod sa Pasay police, mabilis na nagresponde noon ang mga operatiba ng SWAT ng Southern Police District sa report na may mga grupo ng armadong robbery gang ang nagtatago sa isang hanay ng mga apartment sa naturang lugar.

Dahil na-cordon na ng mga pulis ang area, nasaksihan natin kung paano gumamit ng teargas ang isang miyembro ng SWAT-SPD. Tinanggal niya ang safety pin ng teargas at inihagis sa isang bintanang nakabukas sa second floor. Ilang minuto ang lumipas, nagsimula nang umusok ang kisame at ang bubungan ng isa sa apartment.Nagsimula nang lumaki ang apoy. Dahil gawa sa light materials ang apartment, ang usok ay naging isang malaking sunog sa Wood Street.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na ang nanunog sa apartment ay mga hudas na robbery gang.

Baka ganyan din ang mangyari sa condo sa Parañaque? Inimbestigahan pero walang pulis na nakasuhan ng negligence.

Dr. Pinky Albano leads medical-dental mission

Dr. Pinky Albano, wife of PRO4-A Regional Director Chief Supt.Richard A. Albano celebrate in advance her 52nd birthday which will be on February 5 by leading a Medical-Dental Mission to the uniformed and non-uniformed personnel of PRO CALABARZON together with their dependents held today at PRO4A Multi-Purpose Center, Camp Vicente Lim, Calamba City.

60 personnel of the regional office received free pneumonia vaccine. along with the medical mission, a free dental consultation, eye check-up, free haircut and lecture on the proper application of make-up to female personnel of the region was also given.

The undertaking was spearheaded by Dr. Albano as a way of recognizing PRO CALABARZON personnel’s support to the leadership of Chief Supt. Albano as Regional Director.

Meanwhile, a thanksgiving mass was held at Sacred Heart Chapel officiated by Rev. Fr. Ronnie B. Arong, PRO4-A Regional Chaplain.

Since the assumption of RD, Ma’am Pinky has been very active leading members of Officers Ladies Club (OLC) of the region to several medical missions within the region. (PRO4A-RPIO)

About Manny Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *