Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

78th Season ng UAAP Women’s Volleyball

020316 uaap volleyball
SINIMULAN na ang ika-78 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament, na bahagi ng sports advocacy ng Philippine Long Distance Telecom (PLDT) Home Ultera.

Sina star spikers Alyssa Valdez ng Ateneo Lady Eagles, Mika Reyes at Ara Galang ng DLSU Lady Spikers at Jaja Santiago ng NU Lady Bulldogs ang itinanghal na brand ambassadors ng kilalang fast internet connection provider.

Ayon kay PLDT vice president and Home marketing director Gary Dujali, na-tutuwa siyang tanggapin ang mga nasa-bing atelta bilang kinatawan ng kanilang brand dahil nagsisilbing inspirasyon para sa kabataan kung ang pag-uusapan ay sports excellence.

“Each of them has harnessed consistent talent, passion and dedication both as individuals and as team members. We wish them luck and will be supporting them all the way through,” ani Dujali sa opisyal na pahayag.

Sa pagbubukas ng torneo, napalaban ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons kontra sa University of the East (UE) Lady Warriors sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City. Nasundan ito ng laban sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at National University (NU) Lady Bulldogs.

Bukas, Pebrero 3, haharapin ng University of Santo Tomas and Lady Eagles sa PhilSports Arena sa Pasig City with University of Santo Tomas, bago magsasagupa ang De La Salle University (DLSU) Lady Archers at Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …