Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMLEI nagwagi ng ginto sa World Sports Industry Awards 2015

020116 SMLEI
NAPANALUNAN ng SM Lifestyle Entertainment, Inc. (SMLEI) ang ginto para sa Mall of Asia (MoA) Arena at tanso para sa Universal Fighting Championship (UFC) Fight Night Manila sa ginanap na Sports Industry Awards 2015 nitong nakaraang linggo.

Iniuwi ng entertainment arm ng pinakamalaking mall at retail operator sa Filipinas ang iba’t ibang award para sa world-class venue at internationally acclaimed show na isinagawa nito.

Ginawaran ang MoA Arena ng first place para sa entrey ng SMLEI sa kategorya ng ‘Sport and Recreation Facility of the Year.’ Nakopo naman ang tropeong pilak ng dambuhalang Philippine Arena.

Tinalo ng MoA Arena ang pito pang mga finalist mula Hong Kong, Malaysia, Thailand, Cambodia at Brunei.

Nasungkit din ng SMLEI ang pilak sa kategorya ng ‘Best Sports Marketing Campaign’ para sa UFC sa Maynila. Naungusan nito ang mhigpit na mga katungga-ling Adidas, ABS-CBN, Garuda Indonesia at Philippine Basketball Association (PBA).

Nominado rin ang SMLEI sa mga kategorya ng ‘Best Sport Event (Amateur)’ para sa SM Bowling Millionaires Cup, at ‘Best Live Experience at a Pro Sports Event’ para sa International Premier Tennis League (IPTL) na ginanap noong Disyembre nitong nakaraang taon.

Noong Nob-yembre 25 hanggang 28 ay ginanap sa SM Skating rink sa Pacific Way sa Mall of Asia Complex ang kauna-unahang International Ice Hockey Tournament sa bansa, na napalaban ang Team Pilipinas sa mga koponan mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Nasundan pa ito mula Disyembre 6 hanggang 8 ng tatlong-araw na tennis match ng pangunahing mga tennis player sa mundo, kabilang na sina Rafael Nadal at Serena Williams para sa ikalawang season ng IPTL.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …