Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Donaire, Nietes, Tabuena sa PSA Awards

020116 Nietes donaire tabuena
MARKADO noong nakaraang taon sina world champions Donnie Nietes at Nonito Donaire, Jr. sa boxing at si Asia Tour winner Juan Miguel Tabuena sa golf dahil sa mga karangalang ibinigay sa Pilipinas.

Kaya naman sosyo ang tatlo sa MILO-San Miguel Corp.-Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year sa Annual Awards Night sa One Esplanade sa Pasay City sa darating na Pebrero 13.

Nakakaapat na si Donaire sa nasabing awards, una noong 2012, 2011 at 2007, habang una pa lang nina Nietes at Tabuena.

Lumaban noong isang taon si Donaire sa pagbaba ng weight na super-bantamweight.

Sa tatlong panalo noong 2015, pinakamalaki ang kay Mexican Cesar Juarez sa dikdikang bugbugan para sa WBO super-bantam title sa San Juan, Puerto Rico.

Habang si Nietes ang longest reigning Filipino world boxing champion nang sapawan ang matagal na panahong rekord na 7 years, 3 months ni Gabriel ‘Flash’ Elorde.

Nagtagumpay sa title defense ng 108-lb belt kontra kina Mexicans Gilberto Parra, Francisco Rodriguez, Jr. at Juan Alejo si Nietes.

At sinikwat ni Tabuena, 22, ang trono ng 98th Philippine Open sa Luisita Golf and Country Club sa Tarlac. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …