PATULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference matapos kalampagin ang Phoenix Suns, 115-93 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.
Kumana sina star players LeBron James at Kevin Love upang tulungan ang Cavaliers na hablutin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 32-12 karta.
Kahit lamang ang Cleveland, 55-50 ay medyo hindi maganda ang kanilang laro sa sa unang 24 minuto.
Pero umarangkada ng 12-0 run ang Cavs sa pagbubukas ng second half.
Nagtala ang Cleveland ng 2-1 record sa bagong coach na si Tyronn Lue na pinalitan si dating head coach David Blatt noong nakaraang linggo.
May sahog din na nine assists si four-time MVP James habang may 11 rebounds si Love.
Samantala, dumaan sa butas ng karayom ang Oklahoma City Thunder bago talunin ang kulang sa sandatang Minnesota Timberwolves, 126-123.
Kinatay naman ng Los Angeles Clippers ang Atlanta Hawks, 85-83.
( ARABELA PRINCESS DAWA )