MULING mapapalaban si Bea Tan sa paglahok sa Beach Volleyball Republic Tour na gaganapin sa Enero 30-31 sa Cabugao, Ilocos Sur.
Ito ang ikalawang yugto ng torneo, na namayani ang tambalan nina Tan at Rupia Inck ng Brazil sa nakaraang sagupaan ng mga pangunahing koponan sa beach volley na itinanghal sa SM Mall of Asia nitong nakaraang Disyembre.
Makakatambal ngayon ng beteranang volleybelle ang two-time University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball most valuable player Abigail Maraño ng De La Salle University (DLSU).
“I may have a new partner but I’m hopeful to win top honors again despite Aby (Maraño) having more experience with indoor volleyball,” punto ni Tan.
Sa kabila nito, positibo siyang magkakaroon sila ng ‘chemistry’ ni Maraño dahil nakita na niya kung paano kadesidido ang DLSU star na makapaglaro at mag-enjoy sa larong beach volley.
“This is an opportunity for growth. It’s something new and I believe it’s going to be a good experience for me,” pahayag ng UAAP MVP sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate kahapon ng umaga.
Sinabi ni Maraño na malaki ang maitutulong sa kanya ang paglahok sa beach volley dahil kaiba ito sa indoor volleyball na mahalaga ang team effort at pagkakaisa nilang magkaka-teammate.
“Sa beach volley, tatalas ang isip ko. It’s not always power hit at kailangan din may clique ang magka-partner,” aniya.
ni Tracy Cabrera