INIHAYAG kamakailan ng World Series of Fighting – Global Championship (WSoF-GC) ang pagkakaroon ng kasunduan para sa pagtatanghal ng mga pandaigdigang laban sa mixed martial arts na gagamitin ang Filipinas bilang basehan ng kanilang promotion.
Kasunod nito, itatanghal ngayong araw ng Biyernes (Enero 22) ang kauna-unahang regional event sa ilalim ng WSoF-GC promotional banner sa pagtatanghal ng Underground Battle mixed martial arts (UGB MMA) 13: Foreign Invasion sa Makati Coliseum sa lungsod ng Makati.
Ang UGB MMA ay isa sa matagumpay na local promotion na nagtatanghal ng sagupaan ng mga top amateur fighter sa Filipinas at maging sa ibang bansa.
“I feel more optimistic now about the future of MMA in the country,” wika ni Ferding Musayac ng UGB MMA.
“Maybe we are doing something good despite the ups and downs we have experienced. But I am here to unite the industry—from the promoters and trainers to the fighters. I will always adhere to my league’s principle: ‘for the fighters, by the fighters’,” dagdsag ni Munsayac.
Itatanghal sa UGB MMA 13 ang tatlong mabibigat na laban na lalahukan ng tatlong Pinoy mixed martial arts fighter. Una si Mark Palomar ng Hyper MMA, na haharapin si dating Oner Championship standout Brad Robinson ng Estados Unidos para sa inaugural UGB MMA middleweight championship bout.
Masusundan ito ng laban nina Rodian Menchavez kontra kay Pakistani Ahmed Mujtaba para sa featherweight title at Welmil Graves kontra kay Uloomi Karim ng Pakista din para sa bantamweight crown.
ni Tracy Cabrera