DALAWANG panalo at dalawang tabla ang tinarak ni Pinay WIM Janelle Mae Frayna upang hablutin ang second place sa katatapos na 3rd ASEAN JAPFA Chess Championships 2015 na ginanap sa Grandmaster Utut Adianto Chess School sa Jakarta, Indonesia.
Kinaldag ni 19-year old Bicolana at FEU student na si Frayna (elo 2272) sina WFM Azman Hisham Nur Najiha (elo 2009) ng Malaysia at WFM Karenza Dita (elo 1916) ng Indonesia at pagkatapos ay nakatabla sa kababayang si WFM Shania Mae Mendoza (elo 2091) at WIM Sihite Chelsie Monica Ignesia (elo 2224) ng Indonesia sa rounds 8,9,10 at 11 ayon sa pagkakahilera.
Nagtala si Frayna ng walong puntos sa 12-player women’s division na ipinatutupad ang single-round robin.
Bukod sa silver medal, naiuwi rin ni Frayna ang $750 cash prize habang tersera si Mendoza na nakumpleto ang pangatlo’t huli niyang WIM norm at nakapagbulsa rin ng $500.
Sixth placer si Bernadette Galas na naging WIM din at may $250 na premyo.
Tinanghal na kampeon si WGM Mguyen Thi Mai Hung (elo 2249) ng Vietnam. ( ARABELA PRINCESS DAWA )