HUMATAW si Jimmy Butler ng 40 puntos sa second half upang tulungan ang Chicago Bulls na suwagin ang Toronto Raptors, 115-113 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.
Dalawang puntos lang ang naitala ni Butler sa unang dalawang quarters kaya naman nakalamang ang Raptors, 48-60.
Bukod sa pagtala ng 40 puntos, nabura ni Butler ang inukit na history ni former NBA basketball superstar Michael Jordan na 39 points sa second half.
‘’What a performance,” patungkol ni dating NBA player Scotie Pippen sa tweer nito. “You don’t see individual efforts like this too often,’’
May limang assists at apat na rebounds pa si Butler para ilista ang 20-12 karta ng Chicago.
Nag-ambag din sina Paul Gasol at Mirotic Nikola ng 19 at 17 points ayon sa pagkakasunod para sa Bulls na sinuwag din ang four-game winning streak.
Si point guard DeMar DeRozan ang nanguna sa opensa para sa Raptors matapos magtala ng 24 points at apat na assists habang bumakas ng tig 22 puntos sina Kyle Lowry at Luis Scola.
Sa ibang NBA resulta, kinatay ng New York Knicks ang Atlanta Hawks, 111-97 habang pinaso ng Miami Heat ang Washington Wizzards, 97-75.
( ARABELA PRINCESS DAWA )