Sunday , November 17 2024

Joan Masangkay: Rising Star sa Powerlifting

122815 Joan Masangkay powerlifting
MULI na namang nagwagi ang isang Pinay bilang Miss Universe para mapahanay sa iba pang naggagandahang mga Filipina, kabilang na sina Gloria Diaz at Margie Moran. Ngunit, hindi lamang sa larangan ng paggandahan masasabing namamayani ang mga Pinay dahil maging sa daigdig ng palakasan ay marami sa kanila ang nakapagtala ng pambihirang kakayahan para tanghaling mga idolo at bayani sa pandaigdigang entablado.

Tulad ng dalagitang si Joan Masangkay, na paulit-ulit nang nagwagi sa larangan ng powerlifting. Isa si Masangkay ngayon na inaasahang umani ng maraming titulo dahil sa ipinakita niyang galing at disiplina para tanghaling isa sa may pinakamalaking potensiyal sa sport.

Nagbigay ng karangalan para sa Filipinas si Masangkay makaraang humakot ng medalya sa 2015 Asian Powerlifting Championship na ginanap sa Queen Elizabeth Stadium sa Hong Kong noong buwan ng Hulyo ng taon kasalukyan.

Umani ng tatlong gintong medalya at isang pilak ang dalagita sa pagbura niya ng record sa 43-kilogram sub junior subdivision sa mga Asian record holder na sina Darryl Ann Cuelo ng Filipinas sa 80-kilogram squat 205-kilogram total, at Shimihimizu Yurina ng Japan sa 95-kilogram deadlift.

Bagama’t bumuhat lamang si Masangkay sa bench press ng 50 kilograms, napantayan din ng 4’10″ pambato ng ‘Pinas ang record holder na si Hayakawa Kotomi ng Japan, na naitala ng Haponesa sa World Junior sa Szczyrk, Poland noong 2012.

Nagsisilbing pampalakas ng loob ni Masangkay ang kanyang coach na si Tony Koykka, Cirilo Dayao at Ramon Debuque ng Powerlifting Association of the Philippines (PLAP) at mga assistant coach na sina Eddie Torres at John Reginald, na siyang gumiya sa dalagita mula nang magsimula siya sa larangan ng powerlifting sa Cyber Muscle Gym.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *