Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Irish champion nais basagin ang record nina Mayweather at Pacquiao

122115 Conor McGregor
NAIS ng bagong hirang na Universal Fighting Championship (UFC) featherweight champion ng isa pang titulo: ang maging pay-per-view king ng mundo.

Ayon kay Conor McGregor, may kompiyansa siyang mababasag niya ang kinitang revenue ng super fight sa pagitan nina pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at People’s Champ Manny Pacquiao noong nakaraang Mayo.

Ipinilit ni McGregor na sa kanyang edad, malalampasan niya ang Mayweather-Pacquiao fight kaugnay ng kinita nitong revenue. Ang nasabing laban, na bumenta ng 4.6 milyong PPV buy at nagtala ng mahigit US$410 mil-yon, ang pinakamalaki sa kasaysayan.

“Ano ang naitala ng Floyd vs Manny? 72 mil-yon? Hinahabol ko na ito. 27-anyos lang ako. Silang matatanda ay 40 na bago nila ito nagawa. Pero nagwa-warm up pa lang ako!” wika ni McGregor matapos bugbugin at pasukuin si Jose Aldo para maging bagong UFC featherweight king sa loob lamang ng 14 segundo.

“Sabi ko kay (UFC co-founder) Lorenzo Fertitta, at sinabi ko rin kay (UFC president) Dana (White), dadalhin ko ang malaking numerong ito. Dadalhin ko rin ang bilyon-bilyong dolyar na revenue, tulad ng ginawa ng Mayweather-Pacquiao fight,” aniya.

Ang panalo ni McGregor kay Aldo ay nagpaangat sa kanya para hiranging pinakamalaking bituin ng UFC, lalo na sa pagwawakas ng pagrereyna ni Ronda Rousey bilang UFC women’s bantamweight champion.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …