NAKALALAMANG si Pinay sensation Ana Julaton sa kanyang laban kay Irena Mazepa ng Russia sa The One Championship sa Biyernes, Disyembre 11, ayon kay coach Angelo Reyes.
Ito ang sinabi ni Reyes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate para iha-yag ang kampanya ng kanyang alagang makamit ang katanyagan sa pandaigdigang entablado sa larangan ng mixed martial arts.
“Nagsanay si Ana (Julaton) nang husto para rito at nakikita kong mananaig siya dahil talagang mahusay at malakas ang aking alaga kontra kay Mazepa na isang wushu fighter,” punto ng coach.
Para naman sa Pinay fighter, inspirado siya umano ng mamamayang Filipino kaya naniniwala siyang magwawagi siya kahit sinasabing malakas din ang kanyang kalaban.
“I predicted na mana-nalo si Holly (Holm) laban kay Rousey sa kanilang sa-gupaan na natalo ang kampeon. Marami kasi ang hindi nakauunawa kung ano ang boxing. Alam ng lahat na I am a boxer at ito ang gagamitin ko para manalo sa laban ko kay Maazepa,” pahayag ni Julaton.
Bukod sa kanyang boxing talent, pinag-aralan ding mabuti ng Pinay fighter ang kanyang grappling at wrestling skills para ma-tiyak na makaiiwas siya sa upset.
“Hindi naging madali para sa akin na makapasok sa boxing dahil marami ang kritikong nagsasabing walang puwang dito ang mga babaeng boksingero pero sa MMA ay malaki ang tsansa ng kababaihan na magningning at sumikat tulad nina Rousey at Holm,” punto niya.
Bilang suporta sa kanyang alaga, sinabi ni Reyes na malaki ang kanyang tiwala kay Julaton na maipapakita niya ang kanyang galing sa loob ng arena.
“Wala akong duda sa kanya… siya ang mana-naig,” kompiyansang sabi ng coach.
ni Tracy Cabrera