Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grandslam para kay Pao

00 rektaNakasungkit muli ng isang tampok na pakarera ang hineteng si Pao Guce sa ibabaw ng kabayong si Silver Sword sa naganap na 2nd Pasay “The Travel City” Cup nitong nagdaang weekend sa pista ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sa unang tatlong kuwartos ay hindi naging alintana kay Pao kahit pa may ilang kalaban ang nagtangkang lumapit at makapantay man lang sa kanila sa harapan dahil bukod sa kabisado na niya si Silver Sword ay nasa hustong kundisyon pa si kabayo. Hanggang sa pagsungaw sa rektahan nang hingan na ni Pao ang kanyang dala ay lalo pa silang lumayo sa mga kalaban bago dumating sa meta. Naorasan si Silver Sword ng matulin na tiyempong 1:37.2 (25-22’-23-27) para sa distansyang 1,600 meters.

Iba ang dalang suwerte ni Pao ngayong buwan ng Disyembre at harinawa’y maka-grandslam siya ngayong darating na Linggo sa pista ng SLLP na kung saan ay lalargahan na ang pinaka-aabangang 2015 PHILRACOM “Juvenile Championship” sa ibabaw ng kabayong si Subterranean River. Congrats at Goodluck sa iyo Pao.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …