ITATANGHAL ng Johnny Elorde Management International ang ‘Boxing Kontra Droga’ sa Elorde Sports Center sa Parañaque City ngayong Disyembre 12, 2015.
Ito ang ipinahayag ni Johnny Elorde sa lingguhang Philippine Sportswriters Association forum sa Shakey’s Malate kahapon ng umaga.
Sa nasabing boxing event, lalaban ang dalawang anak ni Elorde na sina Juan Martin Elorde at Juan Miguel Elorde laban sa dalawang Indonesian boxer para sa rating ng World Boxing Organization Asia Paci-fic superfeatherweight at super bantamweight division.
Una sa laban ng dalawa, sasagupain din ng isa pang pambato ni Elorde na si Giemel Magramo ang kanyang challenger mula sa Gen. Santos City na si Jeny Buca.
Ayon sa matandang Elorde, tune-up fight ang haharapin ng kanyang mga anak ngunit mahalaga rin na manalo sila dahil sa nalalapit na Marso sa susunod na taon ay idedepensa ng magkapa-tid ang kanilang korona.
Nang makapanayam ang dalawa, nagpahayag sila ng kompiyansa na mananaig sila kontra sa kanilang mga kalabang taga-Indonesia na sina Master Suro at Rasmanudin. Bagong boksingero pa lang sil Suro ngunit ang huli ay beterano na sa mahigit 30 laban.
“Kaya namin ang aming kalaban at makakaasa ang sambayanang Filipino na bibigyan namin ng karangalan ang ating bansa,” magkahintulad na punto ng magkapatid.
Nagpahayag din ng kompiyansa si Magramo kontra sa kanyang kalaban na si Buca dahil may ‘secret weapon’ umano siya na magtitityak sa kanyang panaalo.
“Pinag-aralan ko ang kanyang estilo at nakita kong kaya ko siyang talunin,” anito.
kinalap ni Tracy Cabrera