Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matino at mahusay na pamumuhay, magpapaunlad sa Filipinas—Alunan

HINDI ikinahihiya ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael “Raffy” Alunan III kung tawagin siyang ‘bubot’ sa desisyon na pasukin ang mundo ng politika.

“Delikado at komplikado ang pumasok sa politika, lalo na sa mga katulad kong bagito, na alam ko napakahirap manalo sa larangang ito,” paliwanag ni Alunan matapos isumite ang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa Senado.

Iginiit ng dating miyembro ng Gabinete nina dating Pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos na ang kinabukasan ng mga kabataan at kabutihan ng buhay ng mahihirap ang nagtulak sa kanya upang pasukin ang bagong pakikipagsapalaran sa kanyang buhay.

“Sa edad kong ito, hindi na ako puwedeng mag-relax at magsawalang-kibo dahil alam ko na ang kinabukasan ng ating mga kabataan ay nakasalalay sa tamang pamamahala,” diin ni Alunan.

“Ang kahirapan ang pinakamalaking hamon. Lumaki nang halos 90 porsiyento ang mahirap at ang pinakamahirap. Halos 10 porsiyento lamang ang nabubuhay nang komportable at marangya.”

Para kay Alunan, magsisimula ang kaunlaran ng sambayanan kung matututo ang bawat Filipino na pahalagahan ang bansa at  ang ating kapwa.

“Mahalin natin si Inang Laya at ang kapwa natin Filipino. Dito lamang dapat magsimula ito. Walang mangyayari kung hindi tayo magkakabuklod-buklod tungkol sa paniniwalang ito,” dagdag ni Alunan.

“Maging matino at mahusay. Gawin lamang ang tama. Nararapat lamang na ibalik natin ang ating integridad at kahusayan sa pagbibigay nang maayos na serbisyo sa publiko at maging sa ating lipunan.”

Matagal na rin ipinaglalaban ni Alunan ang kahalagahan ng pagkakaisa kaya nakita niya ang pagsasamantala sa atin ng ibang bansa partikular na ang China na sinasakop ang mga islang nakapaloob sa ating exclusive economic zone (EEZ).

“Unti-unting nawawala sa ating mga kamay si Inang Laya kaya dapat tayong lumaban para bawiin siya. Mahal ko ang aking bayan,” dagdag ni Alunan.

“Para kay Inang Laya at sa mamamayang Filipino, ako’y handang makipagsapalaran. Sa tulong ninyo at ating pagkakaisa, walang imposible – kakayanin natin ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …