Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 sundalo patay sa enkwentro sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo sa enkwentro sa Sitio Kalinugan, Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley Province kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Corporal Byron Moreno at Private First Class Thon Katog, parehong miyembro ng 25th Infantry Battalion.

Nakasagupa ng mga biktima ang 60 miyembro ng Section Committee 3 Pulang Bagani Command 4 Southern Mindanao Regional Committee ng New People’s Army (NPA) na pinangungunahan ni Zaldy Cañete, alyas Jinggoy.

Bukod sa napatay, isang sundalo rin ang sugatan na kinilalang si PFC Castillanes, nagpapagaling na sa Davao Regional Hospital sa Tagum City.

Kabilang ang mga biktima sa mga nagsagawa ng operasyon para iligtas ang dalawang sundalo na binihag ng mga rebelde noong Setyembre 30.

Makaraan ang bakbakan, narekober sa encounter site ang improvised explosive device, electrical wires at mga gamit ng NPA.

Nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar laban sa tumakas na mga rebeldeng grupo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …