Friday , November 15 2024

Tolentino inasunto sa malaswang show

KINASUHAN ng grupo ng mga kababaihan sa Office of the Ombudsman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kaugnay sa kontrobersyal na pagsayaw ng Play Girls sa event ng Liberal Party (LP) sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao.

Pinangunahan ng party-list group na Gabriela ang paghahain ng reklamong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Magna Carta for Women.

Sinasabi sa complaint, nilabag ni Tolentino ang tungkulin ng isang public official nang pagsayawin nang mahalay na dance number ang grupong Play Girls

Bukod sa party-list organization, nakiisa rin ang 12 iba pang labor groups sa naturang reklamo.

Naniniwala ang mga naghain ng reklamo na lumakas ang kanilang kaso nang aminin ni Tolentino ang kasalanan makaraan mag-sorry at kumalas kahapon sa Liberal Party (LP).

Ngunit sa panig ng Play Girls, hindi malaswa ang kanilang sayaw at lalong hindi nalabag ang kanilang mga karapatan bilang babae dahil lamang sa nasabing dance number.

Bilang LP member nag-sorry sa twerk show

KUSANG kumalas si MMDA Chairman Francis Tolentino sa senatorial line-up ng Liberal Party (LP) para sa 2016 elections.

Ito ay kasunod ng kontrobersiya sa birthday party ni Laguna Rep. Benjie Agarao na sumayaw ang sexy dance group na Play Girls na sinasabing malaswa.

Mismong si Tolentino ang humiling sa Liberal Party na huwag na siyang isama sa senatorial slate.

Kasabay nito, nag-sorry rin si Tolentino na hindi niya ipinatigil ang pagsayaw ng Playgirls.

“Ipinaalam ko sa Partido Liberal na alisin na ang pangalan ko sa ikino-consider nilang line-up sa pagka-senador sa 2016,” ani Tolentino. “Kung na-offend ko po ang grupo ng kababaihan, humihingi ako ulit ng paumanhin.”

Si Tolentino ang itinuturong nagdala ng Play Girls sa birthday party ni Rep. Agarao na sinabayan ng panunumpa ng mga bagong miyembro ng LP, bilang regalo sa mambabatas.

Bagama’t noong una ay todo-tanggi pa si Tolentino na siya ang kumuha sa Play Girls.

Nabatid na kinuyog ng mga kritiko si Tolentino at sinampahan ng kaso ng ilang labor groups kaugnay ng kontrobersiya.

MMDA Chair nagbitiw na

NAGBITIW na bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Francis Tolentino.

Dakong hapon kahapon ay nagpaalam si Tolentino sa mga kasamahan sa MMDA.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiya sa malaswang pagsayaw ng sexy dance group na Play Girls sa birthday party ni Laguna Rep. Benjie Agarao, at sa inaasahang pagkandidato ni Tolentino sa pagka-senador sa 2016 elections.

Si Tolentino ang itinuturong nagdala ng Play Girls bilang regalo kay Agarao.

Ayon kay Tolentino, tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan.

Bagama’t sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Tolentino kung anong partido ang kanyang sasamahan sa 2016.

Si Tolentino ay higit limang taon nanilbihan bilang MMDA chairman.

Nangyari kay Tolentino magsilbing aral — Palasyo

MAGSILBI sanang aral sa mga politiko ang isyung kinasangkutan ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa Playgirls na tratuhin nang may dignidad ang lahat, kasama na ang kababaihan.

Ito ang paalala ng Palasyo makaraan ihayag ni Tolentino kahapon ang pagkalas niya sa senatorial slate ng Liberal Party.

“We welcome the statement of Chairman Francis Tolentino. It is a recognition of valid concerns of the women’s sector and, moving forward, it is also a reminder to all those who are participating in the political process of the need to be always be mindful of how we treat our — the dignity of everyone including the womenfolk,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Nanawagan si Lacierda sa publiko na huwag husgahan ang pagkatao ni Tolentino dahil sa isyu ng Play Girls dahil marami siyang nagawa bilang MMDA chairman.

Habang itinuturing ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkalas ni Tolentino sa LP senatorial slate bilang isang ‘sakripisyo’ para hindi na magamit ang isyu ng Play Girls laban sa administration party at ang debate ay tumuon na lamang sa pagpapatuloy ng “Daang Matuwid” at ang aniya’y benepisyong idinulot sa kanyang mga “Boss.”

”Francis is a firm advocate of Daang Matuwid. He knows that, at present, those who oppose meaningful reform will want to exploit the incident. I believe that Chairman Tolentino is doing his part to ensure that public debate truly focuses on the continuation of Daang Matuwid and the undeniable benefits it has brought to our Bosses. It is also my belief that he will take the opportunity to further reflect on how he can better affect positive change in the future.,” anang Pangulo sa kanyang kalatas.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *