Sunday , December 22 2024

Warays kasado na sa Poe-Chiz (Kompirmado!)

0903 FRONTKASABAY ng pagbibigay-diin sa pangangailangan ng bansa para sa pamunuan na agarang magbubuo sa bansa, ibinunyag ni An Waray Rep. Neil Montejo na iisa ang sentimyento ng kanyang mga kababayan sa kahandaan na suportahan ang kandidatura ni Sen. Grace Poe at ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero bilang pangulo  at pangalawang pangulo sa susunod na taon.

“Malayo ang kalamangan sa mga survey ni Sen. Poe sa kanyang mga magiging katunggali sa karera dahil siya lang ang bukod-tanging may mensahe – walang maiiwan. Isang mensaheng hindi nagdudulot ng pagkakahati-hati, mensaheng unti-unting nanunuot sa kamalayan ng mga kababayan natin sa bawat lalawigang napag-iiwanan at nakaligtaan habang ipinangangalandakan ng gobyerno ang pag-unlad ng ekonomiya sa nakalipas na ilang taon,” paliwanag ng mambabatas.

Sinabi ni Montejo, isa sa dalawang kinatawan ng An Waray sa mababang kapulungan ng Kongreso matapos makakuha ng lampas kalahating milyong boto noong 2013, mabilis ang paglawak ng base ng suporta ng tambalang Poe at Escudero at makikita umano ito sa sunud-sunod na pagtalon ng maraming politiko sa kampo ng senadora kabilang ang ilang sikat na personalidad na nagpahayag ng kahandaang tumakbo bilang senador sa ilalim ng kanilang “unity slate.”

“Dalawang party-list congressmen ang alam kong seryosong pinag-iisipan ang pagtakbo bilang senador, at nagpahayag ng pagnanais sumampa sa tambalan ni Sen. Grace at Sen. Chiz sa sandaling ianunsiyo ang kanilang kandidatura,” ayon kay Montejo.

Noong nakalipas na linggo, isang grupo ng mga kinatawan mula sa party-list bloc na binubuo ng 42 congressmen ang hayagan nang nagsabi na susuportahan nila ang senatorial bid ni Rep. Cris Paez ng COOP-NATCCO na nauna nang nagdeklarang “isang malaking karangalan” ang tumakbo kahanay ni Poe at Escudero.

Nagpahayag na rin si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ng kanyang planong tumakbo bilang senador at inaasahang sasampa sa Poe-Escudero “unity slate.”

Ayon kay Montejo, nag-iwan ang Bagyong Yolanda ng matinding galit sa maraming Waray dahil sa sama ng loob sa pamahalaan na umano ay “mas marami pa sanang ginawa ang administrasyon para tulungan silang tumayo” matapos hambalusin ng bagyo ang Eastern Visayas noong Nobyembre 2013.

Nasa P51.5 bilyon ang pinsala ng bagyo sa sektor ng ekonomiya samantala tumabo sa P22.8 bilyon ang kinakailangan upang makabawi at muling itayo ang mga impraestruktura. Sa sektor ng agrikultura P34.5 bilyon ang pinsala at P16.4 bilyon ang kinakailangan upang isaayos ang pagsasaka.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *