Sunday , December 22 2024

Titsers tumaya kay Poe

0902 FRONTTUMAYA na rin ang sektor ng mga guro na may kinakatawan sa Kongreso kay Sen. Grace Poe at sa panawagan ng mas malaking alokasyon ng pondong panustos sa patuloy na operasyon ng Tulong Dunong program, isang student financial assistance program (StuFAPs) sa ilalim ng pangangasiwa ng Commission on Higher Education (CHED), at pagpapalawak ng saklaw nito.   

Sinusugan ni Ave Party-list Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay ang posisyon ng senadora kasabay ng pahayag na may basehan at nararapat lamang na kuwestiyonin ang pasya ng administrasyong Aquino na tapyasan ang nakalaang pondo para sa Tulong Dunong program ng halos P328 milyon.

“Ikinasisiya ng aming sektor ang pangunguna ni Sen. Poe na isapubliko ang usaping ito – gayon din ang tuwa namin sa napag-uusapang pormal na pagpapahayag ng kanyang planong pagtakbo bilang susunod na pangulo katambal si Sen. Chiz Escudero sa mga susunod na araw,” ayon kay Magsaysay.

“Kailangan iparamdam ng susunod na panguluhan ang malasakit sa kabataan. Ang mga tulong-pinansyal at katulad na scholarship grants ay direkta at subok nang paraan upang palawakin ang pagkakataong mapabuti ang kanilang kinabukasan, sampu ng kanilang pamilya.

Ang programang Tulong Dunong ng CHED ay nagsisilbing susi sa kolehiyo ng mga hirap tustusan ang pangarap na college education,” paliwanag ng mambabatas.

Ang Tulong Dunong program ay nagbibigay ng alalay-pinansiyal sa mga estudyanteng magtatapos na may general weighted average na 80% o mas higit pa noong sila ay nasa 3rd year, at mapapanatili ang batayang gradong 80% sa unang tatlong grading period sa kanilang ikaapat na taon sa high school. Ang programa ay napapakinabangan ng mga karapat-dapat na estudyanteng may kapansanan (persons with disabilities o PWDs), mga anak ng solo parents at ang kanilang mga dependent, mga cultural minorities, mga nagmula sa tribong taga-bundok, o senior citizens na nag-aaral pa.

Noong nakaraang linggo sa Nueva Ecija, inihayag ng presidential frontrunner na ikakatawan niya ang karapatan ng bawat kabataang Filipino sa pagkakataong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

“Ipaglaban natin na mas marami ang makatapos ng college…  Lahat po tayo dapat ay magkaroon ng pagkakataon na ganyan, at (ito ay) responsibilidad ng gobyerno bilang mga magulang din natin.”

Isa umanong ‘pasilip’ ang pahayag na ito ni Poe sa adhikain niyang “Gobyernong may Puso,” na tumatayo rin sa inisyal ng senadora.

“Uhaw ang mamamayan sa gobyernong may puso – kailangan ng bansa ng marunong makiramay sa kanilang pakikibaka, nagbibigay ng pag-asa at kabalikat sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Higit kaninuman sa ngayon, si Sen. Poe ang natatanging kakikitaan ng malasakit sa kanilang pinagdaraanan.”

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *