Sunday , December 22 2024

Mar, Leila ‘di bumigay sa Iglesia

ITINANGGI ng matataas na opisyal ng Aquino administrasyon ang akusasyon na may naganap na areglohan kaya natapos ang protesta ng Iglesia Ni Cristo na nagsimula noong Huwebes at natapos nitong Lunes ng umaga.

“Wala pong ganoon,” ani DILG Secretary Mar Roxas sa isang interbyu sa DZMM. “Ang nangyari ay nagkaroon ng paliwanagan, nilinaw na hindi special treatment ang INC, for and against. Nagkaroon lang ng paliwanagan na dumaraan ang lahat sa proseso.”

Inilutang ng militanteng grupo tulad ng Bayan Muna na posibleng napagbigyan ng gobyerno ang mga hiningi ng INC kaya umatras sa ika-apat na araw ng kanilang protesta.

Sinabi ni dating Akbayan Representative Walden Bello, dapat isiwalat ng pamahalaan ang mga pinag-usapan para malaman ng taumbayan.

Ngunit namatay ang mga espekulasyon nang pumasok kahapon sa kanyang opisina sa Department of Justice si Secretary Leila de Lima. 

Matatandaang isa sa mga panawagan ng INC ay sibakin si De Lima mula sa puwesto. “No deal. I am not resigning,” matapang na pahayag ng kalihim.

Inulit ni Roxas na ang kapakanan ng ibang mamamayan ang naging sentro ng puwersa ng gobyerno. “Yung paliwanagan na kinikilala natin ang lahat na magpahayag ng saloobin, pero iniisip natin ‘yung kapakanan ng iba. Nagpapasalamat tayo na walang karahasang nangyari,” aniya.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa simula pa lamang ng protesta na magbantay ang puwersa ng pamahalaan laban sa mga maaaring sumakay at gumamit sa protesta para sa pansariling motibo.

Nakompirma ito noong mga nakalipas na gabi na umakyat pa ng entablado at nagtalumpati laban sa gobyerno ang ilang personalidad na hindi miyembro ng INC.

Samantala, umani ng matinding batikos sina Vice President Jejomar Binay, mga senador na sina Grace Poe, Francis “Chiz” Escudero at Ferdinand “Bongbong” Marcos sa naging pagsuporta nila sa pagkilos ng INC, na pumaralisa ng trapik sa malalaking kalye tulad ng EDSA, Ortigas, Shaw Boulevard at C5 road.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *