Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov’t Makupad (Maanomalyang kontrata sa LRT 2 binatikos)

0901 FRONT”MALA-KRIMEN na ang kawalan ng malasakit ng DOTC sa mga mananakay. Nakakasuka ang kakapalan ng mukha ng mga opisyal ng DOTC at ng LRTA dahil sa pagmamatigas na ituloy ang isang kontratang batbat ng katiwalian na isinasakripisyo ang kapakanan at kaligtasan ng milyon-milyong komyuter pero walang magawa kundi ang tangkilikin ito araw-araw. Kailangan pa bang may masaktan o mapinsala bago gumawa ng hakbang ang gobyerno?”

Ito ang mga katagang binitawan ni Atty. Oliver San Antonio ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) matapos mapabalitang itutuloy ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at ng mga opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na sina Honorito Chaneco at Jose Jobel Belarmino ang paggawad ng maintenance contract para sa LRT2 na binabagtas ang rutang Santolan-Recto sa bidder na napag-alamang nagsumite ng bid na hindi angkop at pawang kinopya lamang sa mga espesipikasyon o pangangailangan ng MRT sa EDSA, ayon mismo sa isang inhenyero.

Isang Technical Working Group (TWG) report na may petsang May 25, 2015 ang nagsasabing nakitaan ng 12 “non-responsive bid offers” ang alok ng BUSAN-EDC para sa LRT 2.  Ito ay madalang na pagsasagawa ng maintenance, hindi akmang signalling system at maling running systems ng naturang linya.

Sa kabila ng mga ulat, matatandaang pinuri ng LRTA Bids and Awards Committee ang nasabing joint venture sa pagsasabing malaki ang pakinabang ng gobyerno sa alok nito.

Nagsampa ang NCFC ng reklamong graft at kasong administrastibo sa Office of the Ombudsman laban kay Belarmino at mga kasamahan niya sa LRTA-BAC noong Hulyo dahil sa paulit-ulit na paglabag sa nailathalang mga patakaran at sa ilegal na pagkiling sa nabanggit na Fil-Korean joint venture.

Binigyang-daan ang hablang isinampa ng NCFC sa Ombudsman at nagbaba ng kautusan sa mga kasapi ng BAC na sagutin ang mga reklamo laban sa kanila.

“Mabilis at nakikitang aksyon ang kinakailangan ng mga mananakay. Kailangan nang makialam ng DOTC Secretary at ng Pangulo sa nasabing usapin upang linisin ang maruming bidding na ipinatupad ng LRTA, at kailangang gawin ito nang walang patumpik-tumpik at agaran.” 

Una nang ipinagwagwagan ni Pangulong Aquino noong 2013 na siya at si DOTC Secretary Abaya ay handang magpasagasa sa tren kung hindi maisasagawa ang mga proyekto at maintenance deadline sa loob ng dalawang taon.

“Nahuhulog na sa butas ang mga turista sa ating mga international airport at makupad pa sa pagong ang takbo ng trapik sa Metro Manila. Ito ang napakalungkot na kalagayan ng ating transportasyon sa bansa. Magandang alternatibo ang ating mga tren. Ngunit kailangang maging mapagmatyag ang publiko upang iligtas ito sa katiwalian,” panawagan ng abogado ng NCFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …