Friday , November 15 2024

Yolanda survivor patay, anak sugatan sa ratrat ng 4 armado (Tulong pinansiyal pilit kinukuha)

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kaso ang apat suspek sa pagpatay sa isang benepisaryo ng Emergency Shelter Assistance (ESA) na ipinamimigay ng National Government sa survivors ng bagyong Yolanda.

Kalaboso ang mga suspek na sina Felix Boring, George Palconit, Eugenio Gervacio, at Michael Corpin, agad nahuli makaraan ang pagpatay sa biktimang si Romeo B. Lauron, 55-anyos, residente ng Sitio Dalupingan ng Brgy. Canila, Biliran, Biliran.

Nabatid na pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at hiningi ang pera na nakuha ng pamilya mula sa ESA na nagkakahalaga ng P3o,000.

Nagmakaawa ang misis ng biktima at sinabing naipambayad na sa utang ang pera.

Mabilis na tumakas ang misis habang nabaril si Lauron nang  manlaban sa mga suspek.

Kasama rin sa nabaril ang 15-anyos anak ng mag-asawa na ngayon ay nagpapagamot na sa ospital.

Ang Emergency Shelter Assistance ng gobyerno ay tulong pinansiyal para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Tumatanggap ang bawat pamilya ng P30,000 para sa totally damaged ang bahay at P10,000

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *