Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

INC hihirit magpalawig ng protesta

NAGPAHIWATIG ang Iglesia ni Cristo (INC) na posibleng humirit sila ng extension sa kanilang permit upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng rally sa Mandaluyong.

Nitong Linggo nakatakdang matapos ang permit na ibinigay sa kanila ng lokal na pamahalaan ng siyudad.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang city government kaugnay ng pagpapalawig ng bisa ng permit ng INC.

Unang nagsagawa ng pagkilos ang INC sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura sa Maynila noong Huwebes, saka lumipat sa EDSA nitong Biyernes.

Kahapon ay nasa panulukan ng EDSA Shaw Boulevard ang protesta ng ilang mga miyembro ng INC.

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Ka Edwil Zabala, kasalukuyang mapayapa ang kanilang protesta sa lugar.

Samantala, ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, naka-monitor pa rin ang Palasyo sa akitibidad ng INC.

Nakaalerto rin aniya ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak na hindi nakaaabala ang sekta sa ibang mamamayan.

Ipinaalala rin ni Coloma na bagama’t mahalaga ang pagkilala at paggamit sa kalayaan, may kaakibat itong responsibilidad gaya ng pagsunod sa batas at paggalang sa karapatan ng ibang mamamayan.

Rally dadalhin sa probinsiya

MAGSASAGAWA rin ng hiwalay na rally ang INC members sa ibang bahagi ng bansa ngayong Lunes.

Ayon sa source, target ng INC na mairaos ang protesta sa Cebu, Iloilo at iba pang malalaking lungsod.

Katunayan, kinansela na ang ibang gawain ng kanilang simbahan sa Cebu South District para bigyang-daan ang naturang rally.

May ibang mga miyembro naman mula sa Northern, Central at Southern Luzon ang dumating kamakalawa ng gabi hanggang kahapon sa EDSA para makilahok sa aktibidad ng mga nagbi-vigil.

Una rito, nangalampag ang nasabing grupo sa harapan ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura street, Ermita, Maynila bago nagmartsa patungo sa EDSA.

Nag-ugat ang kanilang pagkilos sa dahil sa sinasabing panghihimasok ng DoJ sa kanilang Iglesia nang hawakan ng kagawaran ang isyu ng serious illegal detention case na inihain ng ex-minister na si Isaias Samson laban sa ilang opisyal ng INC.

Ngunit giit ni Justice Sec. Leila de Lima, hindi ang relihiyon o paniniwala ang kanyang pinakikialaman kundi nais lang nilang malaman kung may katotohanan ang alegasyon dahil ito ay isang criminal case.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …