Sunday , December 22 2024

CCW Magpupulong sa BBL, Tribo

NAGPULONG ang anti-crime group Citizens Crime Watch (CCW) kahapon upang isulong ang kapayapaan at kapakanan ng mga tribo at Muslim sa Cordillera at Mindanao.

Ayon kay CCW leader  sa Cordillera Administrative Region (CAR) Leonardo Balicdan, ang program ay nasa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang bersiyon ay inamyendahan sa Senado ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on labor.

Sabi ni Balicdan, ang mga dumalo ay umapela kay Marcos na magpasa ng batas na tulad ng BBL para sagutin ang kahilingan ng mga igorot  na magkaroon ng tunay na “autonomous region.”

Dagdag ni Dr. Heal Dineros, CCW national coordinator for Muslim and tribal affairs, napag-usapan na nila ni Marcos  ang nasabing “proposal” at bukas ang senador sa pagbuo ng batas tulad ng BBL para sa mga taga-Cordillera na nakasaad din sa 1987 Constitution.

Ang pagpupulong ay una lamang ngayong taon na pinangunahan ng CCW-CAR Chapter na ginanap sa Jack Restaurant sa Trinidad, Benguet.

Ang dating Ifugao gobernador Gualberto Lumauig ang keynote speaker habang si CCW Chairman Jose Malvar Villegas Jr., naman ang guest speaker. 

Ayon kay Balicdan si dating congressman Lumauig ang co-author ng batas na bumuo sa Cordillera Autonomous Region na naglaon ay naging  CAR.

Si dating Philippine ambassador to Italy Jose Romero Jr., ekonomista sa  University of Asia and the Pacific (UA & P), naman ang nagsalita ukol sa magna carta ng Muslim Mindanao na nagpatibay sa BBL bersyon ni Marcos.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *