BUMALIK na sa trabaho sa Senado si Senador Juan Ponce Enrile makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.
Si Enrile ay pansamantalang pinalaya mula sa hospital arrest sa Philippine National Police General Hospital makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa.
Dakong 2 p.m. kahapon nang dumating si Enrile sa kanyang tanggapan sa ikaanim na palapag ng Senado kasama ang kanyang anak na si Katrina Enrile at isang apo.
Nang tumunog ang bell ay nagtungo na si Enrile sa session hall para dumalo sa mga pagdinig.
Pansamantalang hindi nagpaunlak ng panayam si Enrile at nakipagkamay lamang sa mga empleyado ng Senado at sa kanyang sariling staff.
(NINO ACLAN, may kasamang ulat nina RHEA FE PASUMBAL, ANNE MARIELLE EUGENIO, BEATRIZ PEREÑA at ANGELICA BALLESTEROS)