Sunday , December 22 2024

Roxas, PNP kumilos para sa biktima ni Ineng

HINDI nagpapatinag si DILG Secretary Mar Roxas sa patuloy niyang pagtatrabaho kahit naendorso na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para maging kandidato ng administrasyon para sa pampanguluhan sa 2016.

Kahapon ay namataan sa headquarters ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo ang kalihim kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete na sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Social Welfare Secretary Dinky Soliman at Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.

Pinulong ng apat ang mga ahensiyang tumutulong sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng bagyong Ineng, lalo ang mga nagdeklara na ng state of calamity tulad ng Ilocos Norte.

“Nagkaroon ng malawakang briefing tulong sa Typhoon Ineng. Ang pino-focus natin ngayon ay ‘yung bayan ng Santa sa Ilocos Sur dahil naputol nga ang Bailey bridge na nagkokonekta sa bayan at sa iba’t ibang barangay doon, kaya na-isolate ang mga komunidad doon,” ani Roxas pagkatapos ng pulong sa NDRRMC.

Ayon sa DSWD, mahigit 700 hanggang 1,000 pamilya ang na-isolate dahil sa pagbagsak ng tulay. Pinagalaw na nila Roxas at Gazmin ang air at sea assets ng pamahalaan para marating ang isolated barangays.

Pinag-double time na rin ni Roxas ang Philippine National Police sa mga galaw nito para magbigay ayuda sa mga nasalanta ng bagyo. “Inatasan na rin natin ang PNP na ikumander kung kinakailangan ‘yung mga barge o ‘yung mga barko na nandoon para maabot ang mga isolated na barangay sa Rancho at sa bayan ng Santa,” dagdag niya.

Maselan man ang sitwasyon sa mga isolated areas dahil sa napakalakas na ulan ay desidido ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na maabot ito sa lalong madaling panahon.

Mga helicopters ng Armed Forces of the Philippines at lansta ng Philippine Coast Guard ay pinakilos na rin para sa mabilisang saklolo para sa mga nabiktima.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *