Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konsehal, 13 pa sugatan sa truck vs van

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa 14 katao ang sugatan, kabilang ang isang municipal councilor makaraan salpukin ng Bongo truck ang isang Toyota Hi-Lux sa national highway ng Gitagum, Misamis Oriental kamakalawa.

Inihayag ni Gitagum Police Station commander, Senior Insp. Nerfie Daganato, mula Lanao del Norte at papuntang Bukidnon ang cargo truck na minamaneho ng isang Robesper Udar nang masalubong ang Toyota Hi-Lux na nagresulta sa salpukan ng dalawang sasakyan.

Sinabi ni Daganato, pinilit ni Udar na maka-overtake sa sinusundan nitong passenger bus dahilan kaya hindi naiwasan ang nakasalubong na sasakyan.

Ngunit iginiit ng suspek, hindi mabilis ang kanyang takbo kahit matindi ang pagkasira nang nakabanggaan niyang sasakyan.

Kabilang sa nasugatan ang municipal councilor mula sa Initao na si Susan Balabat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …