Sunday , December 22 2024

2 frat member habambuhay sa hazing

0822 FRONTWALA nang lusot sa habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang brod ni Vice President Jejomar Binay sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity na hinatulan ng mababang hukuman dahil sa pagkamatay ng isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños, na si Marlon Villanueva sa hazing noong 2006.

Ito ay makaraan pagtibayin ng Kataas-taasang Hukuman ang hatol na ipinataw ng Calamba Laguna Regional Trial Court Branch 36 laban kina Dandy Dungo at Gregorio Sibal Jr.

Ito ang kauna-unahang conviction na ipinataw sa ilalim ng Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law.

Sa 39-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Jose Mendoza, pinaboran ng Supreme Court Second Division ang hatol na reclusion perpetua laban kina Dungo at Sibal, Jr.

Alinsunod sa desisyon ng mababang korte, napatunayan ng prosekusyon na kasama ng biktima sina Dungo at Sibal nang pumasok sa isang resort kung saan naganap ang initiation rites.

Sa records ng kaso, ang dalawang akusado rin ang nagdala sa biktima sa JP Rizal Hospital.

Nakasaad sa hatol na bagama’t walang ebidensiya na kasali sina Dungo at Sibal sa initiation rites, may ebidensiya na ang dalawa ang nagdala sa biktima sa lugar kung saan naganap ang initiation rites na nagresulta sa pagkamatay ni Villanueva.

Matatandaan, unang kinatigan ng Court of Appeals  (CA) ang desisyon ng mababang hukuman kaya umapela sina Sibal at Dungo sa Korte Suprema.

Ngunit sa desisyon ng SC, nilinaw na kahit walang patunay na kasali ang dalawa sa initial rites, hindi mangyayari ang hazing kung hindi nila dinala si Villanueva sa nasabing lugar.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *