Sunday , December 22 2024

JPE nakalaya na

PANSAMANTALANG nakalaya mula sa hospital arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa kaugnay sa kasong pork barrel scam.

Magugunitang nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan si Enrile na makapagpiyansa dahil hindi ‘flight risk,’ ang matanda at mahina na ang kalusugang mambabatas.

Habang walang binayaran si Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital dahil siya ay senior citizen na at ‘covered’ ng PhilHealth kaya awtomatikong libre sa hospitalization at gamot.

Makaraang iharap si Enrile sa anti-graft court divison ng Office of the Ombudsman ay agad siyang iniuwi sa kanyang tahanan sa lungsod ng Makati.

Sa Lunes, sa araw ng sesyon ay inaasahang muling makikita sa Enrile sa session floor para dumalo sa mga pagdinig at lumahok sa mga debate kaugnay sa nakasalang na mga panukalang batas.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *