Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dummy ni Binay hina-hunting pa

MAS pinalawak pa ng Senado ang pagtugis kay Gerry Limlingan, ang sinasabing bagman at dummy ni Vice President Jejomar Binay na contempt sa kapulungan dahil sa kabiguang dumalo sa imbestigasyon kaugnay ng mga isyu na kinasasangkutan ng bise presidente.

Kasabay ng pagdinig kahapon, hiniling ni Senate Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Sen. Koko Pimentel sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at mamamayan sa buong bansa na tumulong para sa impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Limlingan.

Ito ang hirit ni Pimentel, dahil sa kabiguan ng Senate Sgt. at Arms na mahuli ang ipinaaarestong tauhan ni Binay.

Naniniwala si Pimentel na mahalaga ang testimonya ni Limlingan sa Senado dahil halos lahat ng kuwestiyonableng transaksyon ni Binay ay naroon ang pangalan ng dummy.

Magugunitang batay sa AMLC report, sinasabing kay Limlingan nakapangalan ang pera ni Binay sa banko.

Kahapon ay inalok ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kapatid ni Limlingan na si Victor Limlingan na kombinsihin ang kanyang kapatid para maging testigo laban kay Binay upang mabigyan din siya ng proteksiyon ng Senado.

Sa pagdinig kanina, nailahad sa Senado ng tauhan ni Makati Acting Mayor Kid Peña na si Arthur Cruto, head ng Makati Action Center, ang katiwalian sa Senior Citizen Program sa Makati, at sinabing P367 milyon ang perang nawawala bawat taon dahil sa “ghost” senior citizen program.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …