Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktibistang brodkaster patay sa ambush

0821 FRONT
LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman ba sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa isang human rights activist at radio broadcaster sa Sorsogon kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla ng Brgy. Tagdon, Barcelona, at tagapagsalita ng grupong Karapatan Sorsogon Chapter.

Ayon kay Senior Supt. Ronaldo Cabral, director ng Sorsogon Police Provincial Office, base sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima nang paputukan ng hindi nakilalang armadong suspek.

Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doctor dahil sa multiple gun shot wounds.

Si Escanilla ang humahawak ng isang programa na “Pamana ng Lahi” sa DZMS Sorsogon.

Dito tinatalakay ang iba’t ibang uri ng  pang-aabuso sa lalawigan at mga isyung may kinalaman sa human rights.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …