Sunday , December 22 2024

PH eagle Pamana utas sa boga

PATAY makaraan barilin ang Philippine eagle na si Pamana sa Davao Oriental.

Kinompirma ito ni Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation.

Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan ito pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day.

Base sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang dibdib. Nabasag din ang scapula nito.

Patuloy pang inaalam kung sino ang bumaril kay Pamana, na mahaharap sa kasong paglabag sa Wildflife Act of 2002.

Dinala na ang mga labi ni Pamana sa Philippine Eagle Center (PEC) sa Malagos, Davao.

Binanggit din ni Salvador na 90% ng mga pinalayang Philippine Eagle ay napapatay.

Dahil dito, mas paiigtingin ang campaign at public education para sa campers upang mas mahigpit na maipatupad ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species.

Matatandaan, pinalaya si Pamana sa virgin forest ng Mt. Hamihuitan, isang UNESCO Heritage Site, noong Hunyo.

Ito’y makaraan siyang dalhin sa PEC mula nang matagpuan sa Mt. Gabunan Range sa Iligan City noong 2012.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *