Sunday , December 22 2024

Enrile babalik bilang Senate minority leader

KINOMPIRMA ni Senate President Franklin Dirlon na babalik bilang minority leader si Sen. Juan Ponce Enrile sa oras na bumalik sa kanyang trabaho sa Senado makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan.

Ayon kay Drilon, naging acting minority leader lamang si Sen. Tito Sotto nang makulong si Enrile kaya’t babalik siya bilang minority leader.

“Tama po iyan, dahil si Senator Sotto ay “acting” Minority Leader lamang, kaya pagbalik ni Senator Enrile babalik po siya sa kanyang posisyon bilang Minority Leader,” wika pa ni Drilon.

Aminado si Drilon na malaki ang maitutulong ni  Enrile sa paghimay ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Malawak aniya ang kaalaman ni Enrile sa paghimay sa mga panukalang batas lalo na sa magiging legalidad ng BBL.

“Given the fact na malawak na ang karanasan ni Senator Enrile sa pamahalaan, makakatulong po siya sa pagtingin sa mga importanteng panukalang batas, yung sinabi mo nga na Bangsamoro Basic Law,” ani Drilon.

Una nang sinabi ni Drilon na kailangan nilang matiyak na alinsunod sa Saligang Batas ang BBL upang hindi ito magkaproblema sa Korte Suprema sa oras na maisabatas.

Samantala, sa impormasyong nakalap ni Drilon, sa Lunes magre-report si Enrile sa Senado.

Cynthia Martin

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *