Bumaha ng pagkain sa birthday ni Peewee
Manny Alcala
August 20, 2015
Opinion
NAGING masaya at makasaysayan ang naging pagdiriwang ng ika-82 birthday ni former Pasay City Mayor Atty. Wenceslao “Peewee” Trinidad na ginanap noong gabi ng Martes sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Boulevard.
Bumaha ng mga inumin at mga pagkain kaya ‘eat all you can’ ang mga malalapit na kaibigang bumati ng “Happy Birthday” kay Peewee ng araw na iyon.
Sa nasabing okasyon naging palatandaan din na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nalilimutan ng mga nakakakilala kay Peewee ang kabutihang ginawa ng dating alkalde ng Pasay. Si Peewee ay naging public servant sa Pasay ng ilang dekada mula sa pagiging konsehal, vice mayor at mayor.
Of course sa birthday celebration, nanguna rin sa bumati ng “Happy birthday” kay Peewee ang incumbent mayor ng Pasay na si Antonino “TONY” Calixto; Ricardo “Ding” Santos ng 1st district ng Pasay at aspiring soon to be vice mayoralty vice candidate Boyet del Rosario.
Out of 100 kabeza de barangay, nasa 80 kapitan sa 1st district ng Pasay ang dumalo rin sa kaarawan ni Peewee. Iyan ay ayon kay Konsehal Onie Bayona ng 2nd district ng Pasay.
Nakasagap naman tayo ng info, na mag-uusap sina Mayor Calixto, Peewee at Bayona tungkol sa sitwasyon ng pulitika sa lungsod ng Pasay. Nararamdaman ko na magsasama na ang kulay orange at green sa Pasay.
Tuloy pa rin ang Bata-Bata System sa PNP
NANG mag-take over na hepe ng pambansang kapulisan si director general Ricardo Marquez, ang bilin sa kanya ni pangulong Benigno “Noynoy”Aquino ay tigilan na ang “Bata-bata system” sa organization.
Ang nakapagtataka, bigla raw inalis sa puwesto bilang OIC ng PNP sa Region 3, ang laging inaalat na si Chief Supt. Ronald Santos. Ang ipinalit kay Santos sa nasabing puwesto ay si Chief Supt. Rudy Lacadin, na siyam na buwan na lang ang itatagal sa PNP. Si Lacadin ay graduate ng PNPA at naging provincial director sa lalawigan ng Tarlac.
Kaawa-awa naman si general Santos, lagi siyang ginagawang panakip butas o shock absorber sa headquarters ng PNP sa Region 3 sa Camp Olivas sa San Fernando City, Pampanga.
Eto pa si Superintendent Glen Dumlao na isinangkot sa Dacer-Corbito murder case na may ilang taong nagtago sa batas o naging fugitive, nabigyan pa raw ng top position sa HPG. He, he, he!!! Baka ready for the next rank of full pledge police superintendent.
Si Supt. Arthur Bisnar, nasungkit naman ang CIDG-PRO4-A. Pang top position din.
Eto pa kung gusto ninyong maghanap ng pulis na di-mo nakikita sa kalye, pumunta lamang po kayo sa lahat ng accreditation loan institution offices ng Philippine National Police. Ang daming mga pulis na nakapila at nakaistambay.
Nang panahon na si Panfilo “Ping” Lacson ang chief ng PNP, ipinagbawal niya na mangutang ang mga bagong pulis tulad ng Police Officer 1 (PO1), dahil matututo silang mangotong at magnakaw sa bayan.
May puntos ang dating senador na si Lacson. Saan nga naman kukuha ng pambayad sa utang ang isang bagitong pulis na bago pa lamang sa serbisyo sa PNP kung hawak na nang mga buwayang loan shark company ang kanilang mga suweldo.
Naku po!!! PNP chief Marquez, nasaan ang ipinangako n’yong mga pulis sa kalsada???
Bakit tameme ang PNP sa Fajardo ambush-slay?
TWO months na ang nakakalipas simula ng tambangan at mapatay sa ambushed ang dating diumano’y leader ng KFR group na si Rolly Fajardo sa isang kalsada sa Calamba City, Laguna noong June 24, 2015.
Nang tambangan si Fajardo sa Bagung-bagong Calsada sa Calamba City, parang naka-set up ang pangyayari.
Nakasakay noon si Fajardo sa kanyang kulay puting kotseng Audi nang ang kanyang sasakyan ay paulanan ng mga bala habang siya ay bumabagtas sa Bagung-bagong Calsada. Naganap ang ambushed sa nasabing lugar dakong 1915HOUR.
Mula sa Los Banos City, Laguna, si Fajardo ay patungo noon sa bayan ng Calamba. Ang mga suspects na nagsagawa ng ambushed ay armado ng mga matataas na kalibre ng baril.
Ang tsismis sa area ng Quezon City, ang naganap na pagliligpit kay Fajardo ay maaaring may kinalaman o kaugnayan sa kasong ‘hulidad’ na kamakailan ay naganap sa Edsa. Ang kasong ‘hulidad’ ay nabuko.
Ewan ko lang kung may katotohanan na ang tatlo sa mga suspects sa ‘hulidap case’ ay sumama sa kanilang bossing sa Region 4-A???
Closed-open ang mga vices sa Pampanga
SA lalawigan ng Pampanga ay nagkalat ang mga peryahan na may halong sugal na color games, beto-beto, dropballs at iba pang uri ng devil na sugal.
Ang mga pergalan sa Pampanga ay mini-maintain nina Nardo Putik, Rading ng Arayat, Lowi Lopez, Jun Bicol at Boy Lim at Ronald Balinggit. Ang pergalan ni Ronald ay nasa Barangay Kut-kut sa Angeles City. Pampanga provincial police director P/Supt. Rodolfo Recomono, legal na ba ang 1602 sa Pampanga???