Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bad spirits sa pinutol na puno sumanib sa 11 teens

CAGAYAN DE ORO CITY – Naalarma ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Misamis Oriental hinggil sa ilang mag-aaral ng sekondarya na sinasabing sinanipian masamang espiritu.

Ayon sa ulat, sinapian ang 11 mag-aaral na pawang babae, ng bad spirits makaraan putulin ang mag-aapat dekada nang malaking punongkahoy ng Talisay sa loob ng Baliwagan National High School ng Balingasag sa Cagayan de Oro.

Inihayag ni DepEd Schools Division Supt. Dr. Cherry Mae Limbaco, nakaranas ng panghihina ng katawan ang mga biktima hanggang sa mawalan ng malay dahil sa pagputol ng kahoy.

Sinabi ni Limbaco, pinutol ang puno dahil may itatayong karagdagang school building ngunit hindi nila inaasahan ang pangyayari.

Aniya, maging siya ay naguguluhan at hirap magpaliwanag ukol sa nangyari sa mga bata kaya minabuting ipinayo na sumangguni sa siyensiya at mga taong-simbahan.

Sa ngayon, ipinag-utos ni Limbaco sa school principal ng paaralan na pagpahingahin muna ang mga apektadong mga estudyante at pabalikin na lamang kung tuluyan na silang makabalik sa normal na sitwasyon.

Napag-alaman na unang iginiit ng ilang guro na nakaramdam lamang ng nerbyos ang mga mag-aaral mula Grade 7 at 8 kaya hinimatay makaraan maputol ang malaking punongkahoy nitong nakaraang araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …