Saturday , December 21 2024

Enrile pinayagan mag-piyansa

PINAYAGAN si Senador Juan Ponce-Enrile ng Korte Suprema na makapaghain ng piyansa para sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pork barrel scam. 

Sa botong 8-4, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang P1 milyong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng senador. 

Bukod sa argumentong mahina ang mga ebidensya laban sa kanya, iginiit ng batikang politiko na matanda na siya at may sakit pa. 

Kabilang sa mga mahistrado na tumutol sa pansamantalang pagpapalaya kay Enrile ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justices Antonio Carpio, Estela Perlas-Bernabe, at Marvic Leonen. 

Masaya ang pamilya ni Enrile sa naging desisyon ng Supreme Court. 

Ayon sa anak niyang si Katrina, excited na silang makasama ang ama sa bahay. 

Sa pahayag ng abogado ni Enrile na si Joseph Sagandoy, sinabi niyang agad nilang babayaran ang piyansa para makalabas na ng detention facility ang senador. 

Kasalukuyang detinedo si Enrile sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *