PATULOY ang paglakas ng bagyong may international name na Goni at bibigyan ng local name na Ineng kapag nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), nasa category 4 na typhoon o may lakas na 140-170 kph.
Sa ulat ni Gladys Saludes ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Goni sa layong 2,200 km sa silangan ng Central Luzon.
Ngayong hapon o gabi inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at magiging ika-9 na sama ng panahon para sa taon 2015.
Sa Huwebes ay lalapit sa extreme Northern Luzon ang bagyong Goni o sa bahagi ng Batanes.
Inaasahan sa Huwebes din ay hahatakin na nito ang habagat na magdudulot ng pag-ulan.
Ang unang makararanas ng pag-ulan dulot ng habagat ay Zamboanga Peninsula at Visayas.