Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karapatan ng mangingisda segurado kay Ebdane

0818 FRONTTINIYAK ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na ang mga karapatan ng daan-daang mangingisda ay maipagkakaloob bilang kaagapay sa kanilang pangkabuhayan sa oras na maipasubasta ang mga ‘palutang’ o ang Chinese dredge floaters na natagpuan sa karagatang sakop ng Brgy. Sto. Cristo, na binabantayan na ng provincial government ang nasabing mga palutang.

Ipinunto ni Ebdane ang Article 719 ng Civil Code na nagsasaad na “part of the proceeds of the auction shall go to the taxes of the barangay and provincial government. The auction is also designed to raise funds for fishermen who have lost their livelihood due to incursion of China whose personnel had prevented them from fishing off the West Philippine Sea.”

Ang naturang mga ‘palutang’ ay inilagak at pinabantayan sa Brgy. San Agustin at sa Brgy. Sto.  Rosario nang tangkain ng ilang mga mangingisda na pagkalas-kalasin para ibenta bilang scrap materials.

Ang pagkompiska sa lahat ng mga ‘palutang’ ay idinokumento dahil ipasusubasta na at ang may pinakamataas na bidding ang siyang makabibili sa mga ‘palutang.’

Ang pagpapasubasta ay inaasahang maisasagawa “in a month” ayon kay Gov. Ebdane na ang mapagbebentahan ang magagamit na pondo ng mga mangingisda para sa pang-alternatibo nilang kabuhayan dahil sa hindi na sila makapangisda pa sa mga karagatang inaangkin na ng Chinese government.

Nitong nagdaang Linggo ng umaga, ang mga mangingisda mula sa Brgy. San Agustin ay nakakuha ng 34 dredging assemblies o mga ‘palutang’ mula sa karagatan, na ang bawat dredging assemblies ay  binubuo ng 12-meter ang haba, one-meter diameter iron pipe na may 3 plastic-encapsulated foam floaters at flexible rubber connectors.

“The auction will be made under the principle of ‘finders keepers,’ pahayag ni Ebdane.

Aniya, obvious kung sino ang nagmamay-ari ng mga floater; na tinutukoy ang China.

Ang mga ‘palutang’ ay gawa sa mamahaling mga material – seamless, zinc-coated pipe na hindi kakalawangin sa dagat at ang pipe ay tumitimbang mula 3 hanggang 5 tonelada.

“These could fetch a hefty price to benefit the displaced fishermen,” punto ng gobernador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …