Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DoJ probe sa INC muling idinepensa ng Palasyo

BINIGYANG-DIIN ng Malacañang na “no one is above the law” o walang nakatataas sa batas.

Sa harap ito nang pahayag ni Atty. Harry Roque na hindi raw dapat nakikialam ang Department of Justice (DoJ) sa internal affairs ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ito ay kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng DoJ sa pamamagitan ng NBI sa sinasabing nagkaroon ng abduction at threat sa ilang INC ministers and members.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mandato ng DoJ na magsagawa ng imbestigasyon sa sino mang indibidwal o grupo na maaaring sangkot sa posibleng paglabag sa batas.

Ayon kay Coloma, walang masama sa ginagawa ng DoJ lalo pa kung may kaukulang katibayan o ebidensiya sa inihaing kaso.

Magugunitang nagpasaklolo sa mga awtoridad sina Ka Angel Manalo, kapatid ni INC Executive Minister Eduardo Manalo, at nanay niyang si Ka Tenny dahil sa banta sa kanilang buhay habang ilang ministro pa ang dinukot o pinigil makalabas ng mga armadong grupo ng INC.

“Kasama sa mandato ng Department of Justice ‘yung pagsisiyasat sa indibidwal o organisasyon na nasasangkot o maaaring sangkot sa posibleng paglabag sa batas. At kapag ang imbestigasyon ay nagpapakita na mayroong sapat na katibayan o ebidensiya para maghain ng kinauukulang usapin sa korte, nakapaloob ‘yan sa awtoridad ng Department of Justice,” ani Coloma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …