Sunday , December 22 2024

10 bagong helicopter ‘di gagamitin sa West PH Sea

NILINAW ni Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lt. Gen. Jeffrey Delgado, hindi gagamitin sa maritime patrols sa West Philippine Sea ang 10 brand new helicopters na binubuo ng walong Bell-412 EPs utility helicopter, at dalawang Augusta Westland attack helicopter.

Ayon kay Delgado, kanilang ide-deploy sa Mindanao,Visayas at Luzon ang mga helicopter at walang plano ang Hukbong Panghimpapawid na i-deploy sa West Phl Sea.

“Well as soon as the new helicopters are ready we will deploy them to Central Mindanao or Visayas but these are all in support of, initially of our humanitarian assistance and disaster response (HADR) and other security engagement that we need to perform,” pahayag ni Delgado.

Pagtiyak ni Delgado, wala silang planong i-deploy ang mga bagong helicopter sa West Philippine Sea.

Habang tumangging magkomento ni Delgado kung may mga bagong assets na inilaan ang Philippine Air Force (PAF) para sa South China Sea.

Sa kabilang dako, tikom din ang bibig ng heneral kung may report silang natanggap na itinigil na nga ng China ang kanilang reclamation activities sa West Philippine Sea at kung may mga napabalitang harassment na ginawa ang mga barko ng China.

Samantala, hinihintay pa ng PAF ang pagdating ng anim pang AW-109EPs, dalawang C295M Medium Lift Aircraft mula sa bansang Spain, dalawang CN-212i Light Lift Aircraft mula sa bansang Indonesia, at dalawang FA-50 Lead-in Fighter Aircrat mula South Korea.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *