Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP kinompirmang patay na si renegade cop Rizal Alih

KINOMPIRMA ng Philippine National Police (PNP), pumanaw na ang tinaguriang renegade cop na si Rizal Alih nitong Biyernes, Agosto 14, habang nasa loob ng kanyang detention cell sa Custodial Center sa loob ng Kampo Crame.

Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt. Wilben Mayor, nakaranas si Alih ng hirap sa paghinga kaya’t isinugod sa PNP General hospital ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital.

Tiniyak ng PNP sa mga kaanak ni Alih na mabibigyan sila ng karampatang tulong.

Pumanaw si Alih sa edad 77-anyos.

Pahayag ni Mayor, ang pamangkin ni Alih na si Sheila Ria Tan, ay tumanggi nang i-autopsy ang bangkay ng kanyang tiyuhin dahil sa Muslim rites at tradisyon.

Agad dinala ang labi ni Alih sa Zamboanga City kung saan ito inilibing.

Si Alih ay isang patrolman mula sa defunct Philippine Constabulary/Integrated National Police, nanguna sa hostage taking kay Gen. Eduardo Batalla at kanyang chief of staff, na si Col. Romeo Abendan, noong Enero 5, 1989 sa loob ng kanilang opisina sa RECOM-9 headquarters, Cawa-Cawa sa Zamboanga City.

Nabatid na nagkaroon ng argumento si Alih kay Batalla dahil sa desisyon na dalhin ang nasabing pulis at ang kanyang mga kasamahan sa Maynila para ikulong.

Ikinulong si Alih dahil sa kanyang pagkakasangkot sa pagpatay noong Nobyember 14,1984 kay Zamboanga City Mayor Cesar Climaco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …