Sunday , December 22 2024

Planong search & rescue facilities ng China kinuwestiyon ng DND

KINUWESTIYON ng Department of National Defense (DND) ang pinaplanong pagtatayo ng China ng seach and rescue facilities sa tinaguriang disputed islands may bahagi ng West Philippine Sea.

“For whom are those search-and-rescue falities?”

Ito ang naging reaksyon ni DND spokesperson Dr. Peter Paul Galvez, kaugnay sa ipinahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua nang makapanayam ng mga miyembro ng media noong nakaraang linggo, na magtatayo ang Beijing ng mga pasilidad sa pinag-aagawang teritoryo.

Depensa ni Zhao, ang pagtatayo nila ng pasilidad sa lugar ay para suportahan ang freedom of navigation, search and rescue efforts sa panahon na magkaroon ng aksidente.

Ngunit para kay Galvez, sa pagtatayo raw ba ng mga pasilidad sa lugar ay target ng Chinese authorities na sirain ang mga barko at wasakin ang mga pasilidad ng Filipinas.

Ang nasabing plano aniya ng China ay matagal nang ibinababala ng Filipinas sa international community.

Giit ni Galvez, sa mga pahayag ng China, malinaw na wala silang planong itigil ang kanilang reclamation activities at wala rin planong tuparin ang ipinangako sa ASEAN Declaration of Conduct of 2002.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *