Friday , November 15 2024

Parating na bagyo lalo pang lumakas

LUMAKAS pa at nasa severe tropical storm category na ang bagyong may international name na Goni at inaasahang tatawaging bagyong Ineng kapag nakapasok sa PAR.

Ayon sa Pagasa, taglay na ngayon ng bagyong ito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 130 kph.

Huli itong namataan sa layong 2,215 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.

Kumikilos pa rin ang bagyong pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Inaasahang makapapasok ito sa PAR sa Miyerkoles.

Bagama’t sinasabing susundan nito ang naging takbo ng bagyong Hanna, pinag-iingat pa rin ang mga residente ng Northern Luzon dahil sa posibleng paglakas hanggang super typhoon.

Inaasahan din na palalakasin ang habagat na maaaring magdulot nang panibagong mga pagbaha sa western section ng ating bansa.

About Hataw

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *