Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady vendor naglason

PATAY ang isang 33-anyos babaeng vendor makaraang uminom ng lason sa loob ng inuupahan niyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang kinilalang si Roselle Eugenio, residente ng 155 Gen. San Miguel St., Brgy. 4, Sangandaan ng nasabing lungsod, makaraan uminom ng silver cleaning solution.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10 p.m. nang makarinig ang mga kapitbahay ng kalabog mula sa inuupahang silid ng biktima.

Agad itong ipinagbigay-alam sa mga kaanak ng biktima at nang puntahan ay tumambad sa kanila ang nakahandusay na si Eugenio at nakita sa kanyang tabi ang bote ng panlinis ng silver.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play sa insidente.

Ayon sa mga kaanak, wala silang nalalaman na ano mang problema ng biktima na maaaring dahilan ng kanyang  pagpapakamatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …