Sunday , December 22 2024

Suspek sa pagpatay kay Aika Mojica sumuko sa PNP-SAF

OLONGAPO CITY- Sumuko kahapon si Niño dela Cruz y Ecaldre sa mga operatiba ng PNP Special Action Force (SAF) Force Intelligence & Investigation Division (FIID) sa pangunguna nina ni FIID Chief Supt. Jonas Amparo at Deputy Chief Supt. Regino Oñate.

Ayon sa SAF FIID, sa Starmall Alabang nagpakita si Dela Cruz kasama ang kanyang nanay upang sumuko.

Kahapon ay dumating ang grupo ng SAF FIID at dinala ang suspek papuntang Zambales upang i-turnover sa Zambales Provincial Police Office sa Iba at nagsasagawa ng tactical investigation ang PNP San Felipe na may hawak sa murder case.

Hinihintay ang commitment order upang maipasok sa Zambales Provincial Jail si Dela Cruz.

Sa salaysay ng suspek kina Mayor Rolen Paulino at Konsehal Jong Cortez, sinasabi ni Dela Cruz na ang tanging ginawa niya ay pagtali sa kamay at paa ng biktima, ganoon din ang paglagay ng bonnet at tape sa mukha ng biktimang si Aika Mojica dahil utos ni Jonathan Dewayne Viane.

Isinakay si Mojica sa passenger seat katabi si Dela Cruz at saka tinalian at tinakpan ang mukha ng biktima dahil nanlalaban sa loob ng sasakyan.

Dahil sa pagpiglas ni Mojica ay nabunggo ang kanilang dalang Toyota Vios na rent-a-car.

Ayon kay Dela Cruz, huminto sila sa Subic at bumaba ang suspek na si Viane, at pagbalik ay may bitbit nang 9mm pistol.

Palagi aniyang itinatanong ni Viane kay Mojica kung anong kaso ang isasampa ng dati niyang misis na si Lian.

Pagkaraan ay huminto sila sa isang gas station at bumili si Viane ng gas at inilagay sa green na bote, at nagpatuloy ang pagmamaneho ni Viane papuntang Zambales.

Pagkatapos ay huminto sila at umikot pabalik hanggang umabot sila sa tulay sa San Felipe, pumasok sa daan sa gilid ng dike at doon binaril sa ulo ni Viane si Mojica. Hindi pa aniya nakontento, sinunog ang walang buhay na biktima.

Kaugnay nito, patungo na ang pamilya ni Mojica sa Zambales PPO upang makaharap at makausap ang suspek.

Muling susulat si Olongapo Mayor Rolen C. Paulino kay Justice Secretary Leila Delima upang ulitin ang hiling ng DoJ sa Amerika sa pagpapalabas ng provisional arrest warrant para sa mas mabilis na pagdakip kay Viane na ngayon ay nagtatago sa US.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *