Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suicide ng estudyante ipinabubusisi ng DepEd

KORONADAL CITY – Agad iniutos ni Deped-12 Regional Director Allan Farnazo kay Superintendent Rommel Flores ng Tacurong City Division, na imbestigahan o alamin ang nangyari kay Princess, ang Grade-8 pupil ng Tacurong National High School na nagtangkang magpakamatay.

Ang biktima ay nasa ICU ngayon makaraang ma-expel sa paaralan.

Ayon kay Farnazo, agad ipatatawag ang guro upang alamin ang ginawa niyang proseso sa pag-expel sa biktima hanggang humantong sa tangkang pagkitil sa kanyang buhay.

Kasabay nito, ipinangako ni Farnazo na ano man ang magiging resulta ng imbestigasyon ay bibigyang importansiya ang kapakanan ng estudyante.

Ang guardian ng bata ang tumutulong sa pagpapaaral sa biktima.

Nais ng pamilya ng biktima na mag-imbestiga ang DepEd upang malaman ang totoong nangyari at hindi na maulit pa.

Umaaasa rin sila na magsilbing leksiyon ang pangyayari sa lahat ng mga mag-aaral.

Masama ang loob ng pamilya ni Princess dahil nagmakaawa na sila para makabalik sa pag-aaral ang biktima ngunit hindi pinagbigyan nang nabanggit na guro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …