Sunday , December 22 2024

Danding kumumpas na sa NPC

TILA higanteng biglang nagising ang “big boss” ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na si dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco sa gitna ng mga balitang buo na ang desisyon ng partido na suportahan ang umano’y kandidatura nina Senador Grace Poe at Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.

Nagpahayag kasi noon si Deputy Speaker at Isabela Congressman Giorgiddi Aggabao na kasado na ang suporta ng NPC at ng Nacionalista Party kina Poe at Escudero, kahit hindi pa nagdedeklara na tatakbo ag dalawa.

“We have looked at our assets and liabilities and we think she would make a good president,” pahayag ni Aggabao noong Hulyo.

Naging mabilis ang pagtanggi ni Senador Cynthia Villar na may namumuong alyansa sa NPC at NP para kay Poe. “I do not know what is the basis of Nationalist People’s Coalition President Giorgidi Aggabao for claiming that NPC and the Nacionalista Party are forming an alliance to support the candidacy of Sen. Grace Poe as president and Sen. Francis Escudero as vice president,” pahayag noon ni Senadora Villar.

Nalaglag si Aggabao dahil sa naging utos ni Cojuangco at ni NPC boss Ramon Ang.

Ayon kay Davao del Sur Governor  Claude Bautista, inutusan sila nina Cojuangco at Ang na makipagpulong kay DILG Secretary Mar Roxas sa baluarte nito sa Quezon City.

“They instructed us to come here. They said, you go to the headquarters of LP because Sec. Mar will talk to you. So, almost all of us NPC members in the province are here,” sabi ni Bautista.

Ayon sa isa pang mataas na opisyal ng NPC na tumangging magpakilala, ang naging utos ni Cojuangco at Ang ay maituturing na ‘show of force’ na silang dalawa pa rin ang nagbabaton sa partido.

Dati nang naiulat na ikinainis ni Cojuangco ang mga pahayag ni Aggabao at mga maniobra ni Isabela Governor Faustino ‘Jun’ Dy III para palabasing buo na ang suporta ng NPC para sa dati nitong miyembro na si Escudero, na iniwan ang partido noong 2009 nang hindi sinuportahan ang kanyang ambisyong tumakbo bilang pangulo.

Dumalo sa pagpupulong ng NPC nitong Lunes si Escudero at Poe na sinasabing “meet and greet” sa mga miyembro nito.

  Sabi naman ng isa pang source sa loob ng NPC na dumalo sa miting, halatang nanliligaw si Escudero sa mga dati nitong kapartido.

  “Napansin naming lahat na talagang umiikot si Chiz. Alam niyang mahirap na tumakbong presidente tapos independent. Kaya eto, halatang nagpapaampon. Kailangan niya ang suporta ng partidong iniwan na niya noon,” diin ng source, na isang mambabatas na matagal nang miyembro ng NPC.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *