Friday , November 15 2024

Solon nanindigan sa cannabis bilang medisina (Damo, gamot hindi bisyo)

TININDIGAN ni Isabela Rep. Rodito Albano na ang isinusulong niyang medical cannabis bill ay hindi para gawing legal ang paggamit ng marijuana o i-decriiminalize ang recreational use nito.

Ayon kay Albano, mahigpit at malinaw ang intensiyon ng kanyang House Bill 4477 na gawing legal ang paggamit ng marijuana para lamang sa layuning medikal.

Sa isinagawang pagdinig, hinimok ng mambabatas ang mga kasamahan na buksan ang kanilang isipan para sa wholistic at integrative medicine kagaya ng medical cannabis.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga dumalong resource person na may kanya-kanyang punto sa usapin

Pagtatanggol ni Dr. Chuck Manansala, ang cannabis o marijuana ay herbal medicine na makatutulong sa pasyenteng nangangailangan nito.

Ayon kay Manansala, kahit ang mga higanteng international pharmaceutical companies ay gumagastos na ngayon ng daan-daang milyong dolyar para sa research at paggamit ng extract na marijuana sa mga gamot.

Ngunit tinutulan ito ng Dangerous Drugs Board dahil ang marijuana ay regulated drug at nakasasama anila sa kalusugan ng mga tao.

About Jethro Sinocruz

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *