Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NPC solons solid kay Mar

MAHIGIT isang dosenang mambabatas ng Nationalist People’s Coalition ang nakipagpulong sa pambato ng administrasyong Aquino at outgoing DILG Secretary Mar Roxas kahapon sa Quezon City.

Sinabi ni NPC Secretary General at Batangas Rep. mark Llandro “Dong” Mendoza na may basbas ng liderato ng NPC ang kanilang pagdalo sa pakikipagpulong kay Roxas.

Nilinaw niyang imbitasyon sa mga tagasuporta ang pagpupulong at wala pang pormal na napagkakasunduan ang buong partido.

“NPC usually votes as a bloc but talks are still open for deciding. At the end of the day, majority rules. Personal decisions are important,” ani Mendoza.

Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng mga paunang pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng NPC na supporters ni Roxas.

Kasama sa naturang pulong sina representatives Mark Enverga, Darlene Antonino, Evelio “Bing” Leonardia, Henry Teves, Jorge Arnaiz, Scott Lanete, Susan Yap, Jun Achason, Aries Aumentado, Mercedes Alvarez at Isidro Rodriguez, Jr.

Kinompirma ni Davao del Sur Governor Claude Bautista sa isang interview ng media kahapon na sina NPC  founder at Chairman emeritus Eduardo “Danding” Cojuangco at negosyanteng si Ramon Ang ang naghikayat sa party members na makipagpulong kay Roxas at pakinggan ang plano ng huli.

Sa pangyayaring ito, tila napabulaanan sa nasabing pagpupulong ang mga naunang pahayag ni NPC member Giorgidi Aggabao na buo na ang desisyon ng partido para sa sinasabing tandem nina Senadora Grace Poe at Senador Francis Escudero.

Hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na anunsiyo sila Poe  at Escudero sa kanilang plano para sa darating na halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …